wala lang…

Posted in buhay, busy, opisina, trabaho on May 26, 2008 by chimmney

ahhh ang tagal kong nawala. bagong palit pa lang ng bagong bahay ko pero napabayaan ko na agad. sa sobrang busy dito sa opisina at sa daming ginagawa di ko tuloy maharap o kahit sumilip man lang sa aking bahay. naiwan tuloy na nakatiwangwang. wala pa ngang gamit pero… hay naku… akala ko pa naman panibagong simula ang nasimulan ko dati hindi pa din pala.

sa dami ng nangyari ng mga nakaraang araw, linggo o buwan pa wala man lang akong naisulat at hindi ko din maisingit ang pagsusulat ko kuno. at eto nga at dadaan lang sandali at magpapaalam ule. sana darating ule ang araw na kahit sa sobrang busy eh makadalaw pa din ako.

doble-kara

Posted in buhay, kaibigan, pamilya, relasyon on May 5, 2008 by chimmney

sa buhay natin marami tayong nakikilalang tao. merong kanya-kanyang katangian. lahat naman ng tao mabait pero iba’t ibang klase ng bait para meron ang tao.

marami na ring dumating at umalis sa buhay ko na mga kaibigan. bawat lugar na pupuntahan may nakikilala at nagiging kaibigan. meron pagkaalis di ko na naaalala at di  na din ako naaalala. wala sa kahit sa iksi o haba ng panahon para malalaman kung sino ang totoo mong kaibigan. konti na lang ang maituturing tunay na kaibigan.

sa dami ng nakilala ko minsan hirap pa din akong tukuyin kung sino ang totoong tao. katukad ngayon matagal ko na syang nakilala taon na din ang binilang na kami ay magkasama pero di ko p din pala alam ang tunay nyang kulay.  pagkaharap mo ok ka pero pag nakatalikod ka di mo alam sinasaksak ka na pala.

di ko pa napapatunayan? may umabot na ding balita na ganun sa akin na lahat ng sinasabi ko, naming magkakaibigan au umaabot sa taong pinag uusapan at may sama kami ng loob. at ang masakit pa dun may sobra pa ang sinasabi. ang ayaw ko lang parang sumasama sya sa amen para makakuha ng balitang di naman na dapat pang umabot sa tao.

hindi kami masasamang tao pero sa isang institusyon meron at meron ka talagang hindi makasundo ganun kami kasi meron tao na nagmamaganda. at yung ang taong may sama kami ng loob o ang tawa eh kinaiinisan.

ngayon ko lang napatunayan na ganun pala ang aking kaibigan may lahing kamandag “ahas”… hijndi ko naman sya masabihan sa kadahilanang ayaw kong masaktan ang kanyang kalooban. at isa pa magkaibigan kami.

nawawalan na tuloy ako ng gana sa kanya. pero pano ko sasabihin? ayaw kong ipakita na ganun ang nararadaman ko. ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. pero paano? ewan di ko din alam

 

Hello world!

Posted in Uncategorized on May 5, 2008 by chimmney

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!